Nasira nanaman yung promise ko sa sarili na hindi na ako iinom. Ang gara talaga eh no? Yung tipong hindi mo alam kung maiinis ka ba sa sarili mo o pababayaan mo nalang kasi nangyari na. Ang dami rin kasing happy moments na nangyari kagabi. Nakasama ulet ang mga tropa. Napag usapan yung baha, yung movie na 3 idiots at marami pang iba.
Nakakatalino pala MINSAN yung alak no? HAHA. biruin mo yung mga tropa ko nag debate tungkol sa pagkontrol ng baha. Akala ko nga mapupunta pa yung usapan sa MILKY WAY :))
Lumipat na nga pala kami ng bahay, kaya minsan ko nalang makakasama yung mga tropa ko kaya nasira yung promise ko sa sarili ko. Pero hindi ako nagsisisi dahil handa kong isakripisyo yun para sa kanila.
Hindi naman ako “KJ” na kaibigan, hangga’t alam ko na worth it yung sacrifice ko.
Yun nakwento ko lang. madalang na kasi talaga ako makakapagupdate sa blog ko na to. Basta tandaan mo, minsan NEED mong magsacrifice para sumaya ka :)